IWAS-PUSOY?

johnny_magalona1035

IWAS-PUSOY si House Speaker Pantaleon Alvarez sa kanyang sarili na insinuwasyon sa pagsusulong ng panukalang pagpapawalang-bisa sa kasal lalo’t pa isa siyang Manobo na maaaring makapagpakasal nang maraming beses.

Ay naku, ang lalaki nga naman, lahat ng mga paraan ay gagawin niya basta makaiwas lang sa mga isyung ibinabato sa kanya sa pagiging chickboy kaya kahit pa may pamilyang mawawasak ay wala siyang paki, kesehodang mawasak ito.

Gaya na lang sa naging depensa ni Speaker Alvarez na kanyang itinakda ang legal dissolution o pagwawalambisa sa kasal na prayoridad na legislative measure sa Kamara.

Ang matindi rito, ang depensa ni Alvarez ay hindi lamang daw para sa kanya ang pagsusulong ng nasabing panukala (naku ah) kundi bunsod daw ito ng kultura ng kanyang kinabibilangang tribo na pwedeng mag-asawa nang maraming beses.

May ganon?

Ay nakupo, nakatatawang nakaiinis itong si Speaker Alvarez, bagay lang talaga sa kanya ang kanyang palayaw na Bebot na ang ibig-sabihin ay “mahilig sa mga bebot,” lalo pa’t kasing ganda ng kanyang kinakasama ngayon. Hehehehe!

Lalaki rin akong katulad ni Speaker Alvarez na naging chickboy pero ‘yung ginawa niyang pag-abandona sa kanyang tunay na pamilya para lang pakisamahan ang panibagong bebot, ay isang malaking kasalanan hindi lang sa mata ng tao kundi maging sa mata ng ‘Diyos.’

Ano kaya ang mangyayari sa buhay ni Speaker Alvarez pagdating ng panahon na wala na siya sa poder at umeebak na siya sa kanyang salawal? Magagawa ba kayang alagaan siya ng kanyang bagong mistress?

O baka naman sa bandang huli ay si Mrs. Emilita Alvarez pa rin ang mag-aalaga kay Speaker Alvarez pagdating ng panahon na ito.

Dapat ngayon pa lang ay mag-isip-isip na si Speaker sa gagawin niyang panukalang ito dahil maraming pamilya ang mawawasak dahil lang sa isang babae.

AQUARIUS SPAKOL/SPATOT CENTER, TULOY PA RIN

Tuloy-tuloy pa rin ang talamak na bentahan ng mga laman ng mga menor de edad na nagtatrabaho bilang mga sauna attendant sa Grand Bay Sauna (formerly Aquarius Spa Center) sa Biñan at Calamba, Laguna ni hindi man lamang kumikilos ang mga hepe na nakasakop sa nasabing prostitution den.

Palibhasa, walang ipinagmamalaki ang sauna owner na si Mang Dante kundi kaya nilang tapalan ng pera ang mga hepe ng pulisya na nakasasakop sa kanilang spakol at spatot center sa nasabing mga lugar.

Totoo ba ito, mga inutil na hepe?

oOo
Anomang puna o reklamo i-tetx sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply