LAYER vs BROILER: MAY BIRD FLU PA RIN

KATAKOT-TAKOT na katatakutan ang nagaganap dahil sa bird flu na tumama sa San Luis, Pampanga.

Upang hindi masira ang industriya ng poultry sa mahal kong Pinas, katakot-takot din ang paliwanag ng mga nagtitinda ng manok, bibe, itik, pugo, gansa at kauri ng mga ito.

LAYER VS BROILER

Sabi ng mga taga-industriya, mga may-ari ng farm, nagtitinda at nagbibiyahe, walang bird flu sa mga broiler at tanging ang mga layer ang may bird flu.

Paliwanag nila, ang mga broiler ay ang 45 days samantalang ang mga layer ay ang pinaiitlog.

Walang layer na ibinebenta sa mga palengke at mall at maging sa mga restawran na kagaya Jollibee, McDonalds, KFC, Max at iba pa kundi pawang mga broiler.

Ang mga broiler ay kaiba sa mga layer dahil hanggang 45 days nga lang ang mga ito samantalang ang mga layer ay ang mga umaabot ng limang kilo bawat isa at matatanda o limang taon ang edad at pawang makukunat.

Ang pinakaargumento nila: walang nanggagaling ngayon na broiler mula sa San Luis, Pampanga kundi sa iba’t ibang lugar.

Derpor, walang bird flu sa mga bentang manok, itlog, itik, bibe, gansa, sabunging manok, pugo at iba pa.

MAY BIRD FLU PA RIN

Hindi naman sumasang-ayon ang mga agriculturist at nagtatrabaho sa mga farm na ating ininterbyu.

Sabi nila, may bird flu maging sa mga broiler, lalo na ang mga pinalusot mula sa San Luis, Pampanga bago nagdesisyon ang pamahalaan nitong mga nagdaang araw lang na ipagbawal ang mga manok na ito na mabenta sa mga palengke.

Malaki umano ang posibilidad na madaliang nagbenta ang mga may layer at broiler farm sa Pampanga ng kanilang mga manok nang magsimulang magkapeste noong Abril-Mayo.

At ang mga ito ang may bird flu.

Tanong: Kaninong mga nagtitinda napunta ang mga pinalusot na manok, itik, bibe at pugo?

Ang mga layer na ibinenta, kanino rin napunta? Kanino napunta ang mga itlog ng mga ito?

Kung kinatay ang mga ito at prini-serve para magtagal hanggang Kapaskuhan, kanino napunta ang mga ito?

HINDI MAKALUSOT

Sabi ng mga source natin, mahirap talagang lulusot ang mga layer sa mga palengke at mall dahil istrikto ang mga munisipyo at may-ari ng mall sa kalidad ng mga bentang manok at tanging ang 45 days o broiler lang ang nabebenta.

Pero alalahaning nabebenta rin ang mga layer makaraan ang limang taon nilang pangingitlog at culls ang tawag sa mga ito.

At alam ba ninyong nagiging matanda rin ang mga inahin ng mga broiler at taon din ang bibilangin bago ibenta ang mga ito?

Ang problema, paano mo kikilatisin ang pagkakaiba ng broiler at layer kung pawang puti ang mga ito?

Paliwanag ng ating mga agriculturist at nasa mga farm ng manok, maraming may kulay na layer pero marami rin ang puti at tanging ang mga eksperto rito ang nakakakilala ng pagkakaiba ng mga broiler at layer kung pawang puti ang mga ito.

ANG CULLS

Basta makunat na, culls ang tawag umano sa mga ito. At maaaring tawaging culls ang mga matatandang broiler na pinangingitlog ng magiging mga broiler at mga layer.

Ang totoo, marami sa mga kalsada at kahit sa Divisoria ang panindang culls na maaaring broiler o layer.

Ang totoo, pinagkakaguluhan ang culls dahil nasa P40 lang ang live weight samantalang nasa P90 ang live weight ng broiler.

Pero ibinebenta ang mga dressed o wala nang balahibo na culls sa presyong para sa broiler sa mga kalsada at bahay-bahay.

Pinagkakaguluhan ang culls dahil gamit ang mga ito sa mga malalaking okasyon sa mga barangay gaya ng piyesta, birthday, kasal, lamay, pabinyag at maramaing iba pa.

PAG-ASA

Ngayon, mga Bro, dahil sa posibilidad na may bird flu ang broiler at layer, ang tanging pag-asa natin para maging ligtas tayo sa pagkakasakit at kamatayan ay pagluto sa mga ito nang todo.

‘Yun bang === hindi hahayaan na may dugo-dugo ang mga karneng manok, bibe at iba pa sa mga buto dahil palatandaan ito ng hindi buo na pagluluto.

Kaya, tuloy ang pagpa-fried chicken, pag-iihaw, pag-aadobo at iba pa.

Dapat kasamang lutuin nang husto ang mga itlog.

40-60% PATAY

Kumpirmado na umaabot sa 40-60 porsyento ng nahahawa ng bird flu and namamatay sa bird flu na may virus na H5N1 at H5N9.

‘Yun bang === sa bawat 100 na nahahawa, 40-60 ang dedo.

Tanong ngayon: Mag-uulam ka pa ba ng manok at itlog ng manok at pugo at itlog ng mga ito?

Ang sagot natin: Pinakamaganda ang mag-ingat o magluto nang todo kung gusto mong mag-ulam o mamulutan ng manok at iba pa.

oOo
Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o sa 09214303333. ULTIMATUM/BENNY ANTIPORDA

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply