Mali ang hulang si Moi Bien ang mananalong best supporting!

HAPPY si Janice De Belen na kasali sa Koreanovela ng GMA 7 na “My Korean Jagiya” dahil isa rin siya sa nahilig sa K-Pop. Gaganap siyang tita ni Gia (Heart Evangelista-Escudero).

Tinanong din si Janice kung boto siya kay Jake Vargas na boyfriend ngayon ng anak niyang si Inah De Belen.

“Basta mabait sa anak ko, okey na,” pakli ni Janice.

Mukhang in love ang anak niya?

“Kanino ba nagmana?,” tumatawa niyang sagot.

“Sino ba ang nanay?” dagdag pa niya.

Kwento pa ni Janice, “Sabi nga ng tatay ko sa kanila, bagay raw sila.”

“Sabi ko talaga sa tatay ko, ‘yun talaga ang nasabi mo? Sabi niya, eh ‘yun ang nakita ko, e,” bulalas pa niya.

Hindi naman siya kontra?

“25 na si Inah. Kung yung nanay ko at tatay ko, kumontra nang husto, walang nagawa, wala rin akong magagawa.”

Open naman ang dalawa at dumadalaw si Jake sa bahay nila. Sabi nga ni Inah noon ipinakilala na ito sa kanya pero hindi pa sa daddy (John Estrada) niya?

“Mas deiikado naman yata na makilala siya kesa makilala ako,” sambit pa niya.

Ano lang ang sinabi niya kay Jake?

“Wala naman. ‘Yung small talk lang. Wala masyado kasi ang tahimik niya, eh.

“Usually, tahimik na ako pero apparently mas madaldal pa ako sa kanya,” sey pa ni Janice.

Magsisimula sa August 21 ang My Korean Jagiya sa GMA Telebabad. Tampok din ang Korean actor na si Alexander Lee as Kim Jun Ho.
Nandiyan din sina Iya Villania-Arellano, Edgar Allan Guzman, Valeen Montenegro, David Kim, Michelle Oh, Jerry Lee, Frances Makli Ignacio, Myke Solomon, Jinri Park, Divine Aucina at Khane Dela Cruz. Ito ay sa direksyon ni Mark Reyes.

-0o0-

Mali ang hula na si Moi Bien ng pelikulang “”Ang Pamilyang Hindi Lumuluha,” ang mag-uuwi ng Best Supporting Actress trophy ng The 13th Cinemalaya Philippine Independent Film Festival .

Tinalo siya ng BeauteDerm baby na si Ms. Yayo Aguila para sa pelikulang “Kiko Boksingero”. Nagdiriwang ngayon ang mga kapamilya ni Yayo sa BeauteDerm sa pangunguna ng President and CEO na si Ms. Rei Ramos Anicoche (Rhea Tan). Lubos ang kanyang pagbati sa magaling na aktres.

Anyway, nagpahayag si Yayo ng kanyang reaksyon sa pagkapanalo sa Cinemalaya. Mababasa ito sa kanyang Facebook Account: “Today i woke up with a HEAVY heart- full of love, gratitude and thanks! I have tried proving myself to the industry, to the people in it, many times ignored, declined, belittled and rejected. It came to a point when i wanted to stop and give up and look for other means. It was a hard battle and i fought alone. I prayed every single day for strength, clarity, wisdom and the will to fight and prove something. I prayed for financial abundance so i can give my children the good life that they deserve. I prayed every day that God will give me work while i am still physically able- Sabi ko nga “Lord, bigyan mo po ako ng maraming trabaho habang kaya ko pang magpuyat, magmaneho nang malayo, mag memorize ng linya, kasi di ko alam kung hanggang kelan lang ang buhay ko…” I did not stop praying.

“And now this. God.gave me more than i prayed for…

“So many wonderdul people i wanna thank…

Bongga! XPOSED/ROLDAN CASTRO

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply