Maute group sa Marawi, 40 na lang – AFP

PUMAPALO na lang 20 – 40 ang nalalabing puwersa ng Maute group sa Marawi City.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines spokesman Brig Gen. Restituto Padilla, patuloy na lumiliit ang puwersa ng teroristang grupo dahil sa patuloy na opensiba ng militar.

Sa kabila nito, itinuturing pa ring seryosong banta ng militar ang naturang grupo kahit maliit na lamang ang kanilang bilang.

Kahit kakaunti na lamang, may kakayahan pa rin aniya ang mga ito na makapaminsala at kumitil ng buhay, dagdag pa ni Padilla.

Bukod dito, may mga hawak pa rin aniyang bihag ang mga ito kaya’t nananatiling komplikado pa rin ang sitwasyon sa lungsod.

Samantala, sinabi naman ni AFP Chief-of-Staff Eduardo Año na buhay at nananatili pa rin sa Marawi City si Abu Sayyaf leader Isnilon Hapilon.

Ito aniya’y batay sa pinakahuli nilang impormasyong nakalap mula sa mga assets.

Nagtatago umano ito kasama ang ilan pang terorista sa isang mosque sa Marawi City. JOHNNY ARASGA

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply