Mayweather-McGregor ticket sale, mahina

mayweather1

MATUMAL ang bentahan ng tickets sa laban nina Floyd Mayweather, Jr. at Conor McGregor sa August 26 sa T-Mobile Arena.

Ayon sa inilabas na datus ng ticketing-incharge, mayroon pang mahigit na 7,000 tickets ang hindi pa naibebenta.

Ito’y malayo kung ikukumpara noon sa laban ni Mayweather kay Manny Pacquiao na isang buwan pa lamang matapos ianunsyo ang pagbenta ng ticket ay mabilis na itong naubos.

Kasunod nito hindi naman nababahala ang dalawang panig at tiwala sila na mauubos din ito ilang araw bago ang laban.

Magugunitang aabot sa $10,000 o mahigit kalahating-milyon ang pinakamahal habang ang pinakamamura ay aabot sa $500 o P25,000. BOBBY TICZON

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply