Metro Manila, iba pang probinsya nilindol ng 6.3 magnitude

earthquake1

NIYANIG ng malakas na lindol ang ilang bahagi ng Luzon kabilang ang Metro Manila kaninang ala-1:28 ng hapon.

Sinabi ni Phivolcs Dir. Renato Solidum, dahil ito sa paggalaw ng Manila Trench kaya maraming bahagi ng Metro Manila ang nakaramdam ng lindol.

Sa initial report, 6.3 magnitude ang naitala sa monitoring center ng Phivolcs.

Natukoy ang epicenter sa layong 16 kilometro sa Nasugbo, Batangas.

Naramdaman ang Intensity IV – Calapan, Mindoro; Subic, Zambales; Rosario, Cavite; Manila City; Sablayan, Occidental Mindoro
Intensity III – Pateros City; Quezon City; Makati City; Malolos, Bulacan; Cainta, Rizal; Calamba, Laguna.

Intensity II naman ang naitala sa Magalang, Pampanga; Tanauan City, Batangas habang Intensity I sa Talisay, Batangas, habang Intensity III – Calumpit, San Ildefonso, Bulacan; Tagaytay City. Intensity II naman sa Lucban, Quezon. BOBBY TICZON

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply