Middleman sa P6.4B shabu shipment, hinuli sa rape case

MATAPOS dumalo sa Senate Inquiry, kinuwelyuhan ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) kaninang hapon si Kenneth Dong, ang umano’y middleman sa P6.4-billion shabu shipment, dahil sa kasong panggagahasa.

Si Dong ay dinampot matapos ang pagdinig ng Senate blue ribbon committee hearing sa shabu shipment dakong 2 p.m.

“I don’t have exact details but we have a warrant… We have to process him,” pahayag ni NBI Deputy Director Ferdinand Lavin.

Sinabi ni Lavin na nagsagawa sila ng background check kay Dong matapos ang kanyang pangalan ay nabanggit sa Senate at House probes sa shabu controversy, at nalaman ang kanyang kinasasangkutang kasong rape. BOBBY TICZON

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply