Navotas Chamber of Commerce binuhay muli

MULING binuhay ng Local Government Unit (LGU) ng Navotas City ang Navotas Chamber of Commerce and Industry para pagtibayin ang sektor ng pagnenegosyo sa lungsod at mahikayat ito na lumahok sa lokal na pamamahala.

Ayon kay Mayor John Rey Tiangco, ang Chamber ay magsisilbing boses ng sektor ng pagnenegosyo. Paiigtingin nito ang kakayahan ng ating mga lokal na negosyo, at makatutulong para mas mapaunlad at maging sustenable sila.

“Mahalaga ang papel na gagampanan ng Chamber para mapalakas ang pagtutulungan ng pamahalaang lokal at ng mga negosyo sa lungsod” ayon pa sa alkalde

“Ang Chamber ay maaaring magsilbing kinatawan ng sektor ng pagnenegosyo sa pakikipag-ugnayan sa amin para sa mga proyekto at programang isusulong na magbibigay-pakinabang sa kanilang industriya at sa lungsod,” aniya.

Inaasahan din na maghahatid ang Chamber ng mga oportunidad sa mga may-ari ng negosyo na mapalawak ang kanilang network at kalaunan ay makapagsilbi sa mas maraming kliyente.

Ang 15 bagong mga opisyal, trustee at director ng Chamber ay nanumpa sa harap ni Tiangco.

Si Jesusa Lukban ng 3D&S Rice Dealer ang nahalal na presidente, at si Nerissa T. Domingo naman ng Pia’s Lechon Manok and Boodle Fight ang napiling bise presidente.

Kabilang sa mga opisyal sina Cesar T. Roque Jr. ng Roque Water Refilling Station bilang corporate secretary, Ruth M. Celorio ng NFC Marine Trading bilang treasurer, at Rosario C. Alcorroque ng Ian’s Foodhaus (Samareños) bilang auditor.

“Iisa lamang ang ating pangarap—ang mapaunlad ang ating lungsod. Kaya tutulungan namin ang isa’t isa para maisakatuparan ang hangaring ito,” dagdag ni Tiangco. ROGER PANIZAL

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply