New missile launch ng NoKor, bumagsak sa Japan sea

BUMAGSAK sa karagatan ng northern Japan ang missile na muling pinalipad ng North Korea.

Ito ang kinumpirma ng gobyerno ng Japan at maging ng South Korea.

Ayon sa state news agency ng Japan na NHK, nahati ang missile sa tatlong piraso at ito’y bumagsak sa karagatan ng Hokkaido, Japan.

Pinayuhan ng Japan ang kanilang mga mamamayan na maging alerto sa anomang posibleng mangyayari.

Hindi na rin naharang ng Japan ang missile matapos na dumaan ito sa kanilang teritoryo.

Base sa pag-aaral ng South Korean military, mula sa Sunan region ang pinakawalang missile ng North Korea, ang kalapit na bayan ng Pyongyang. BOBBY TICZON

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply