P9.00 pasahe sa dyip, iginiit ng transport group

jeep4

IGINIGIIT ng grupong PCDO-ACTO ng dagdag sa singil sa pasahe sa mga pampublikong sasayan dahil sa pagtaas umano ng presyo ng mga produktong petrolyo, partikular na ng diesel.

Ayon kay Efren De Luna, pangulo ng grupo, maghahain sila ng petisyon sa LTFRB sa susunod na Linggo, upang hilingin sa ahensya nag awing P9.00 ang minimum fare sa mga dyip.

Paliwanag ni De Luna, halos wala nang kinikita ang mga jeepney driver dahil bukod sa mataas na presyo ng diesel, matindi rin ang trapiko sa mga lansangan kaya’t nababawasan ang pasada ng mga ito.

Sa kasalukuyan, P8.00 minimum na pasahe sa mga pampublikong dyip. JOHNNY ARASGA

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply