Pacquiao-Horn rematch, niluluto sa Nobyembre

pacquiao6

BIGLANG lumutang ngayon sa Australia ang pagluluto ng rematch nina Sen. Manny Pacquiao at WBO champion Jeff Horn sa November 12, 2017.

Sinasabing inaayos na gawin muli ang laban sa Suncorp Stadium sa dahilang ito naman ang nakapaloob sa rematch clause ng dalawa.

Pero humihirit ang Brisbane na doon gawin ang hosting ng rematch.

Hanggang sa ngayo’y wala pang kumpirmasyon si Pacman sa katotohanan ng naturang report na iniulat ng Courier-Mail.

Inamin naman ni Premier Annastacia Palaszczuk na patuloy pa ang negosasyon na gawin ang rematch sa Brisbane.

Maging ang Tourism and Events Queensland ay todo rin ang panliligaw sa mga promoter na makuha ang laban at gawin ito sa Brisbane kung magbigay na ng ‘go signal’ ang Pinoy ring icon. BOBBY TICZON

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply