Phl swimmers pasok na sa SEA Games finals

jessie-lacuna1

UMABANSE na sa finals ang olympian na si Jessie Lacuna na manlalaro ng Pilipinas sa men’s 200-meter butterfly heat.

Pumangatlo ito sa qualifying event sa oras na dalawang minuto at limang segundo.

Nanguna ang Thai na si Navaphat Wongcharoen na nakaposte ng dalawang minuto at 2.62 segundo.

Pumangalawa naman ang Malaysian na si Faang der Tia’a na nakarehistro ng dalawang minuto at 2.67 segundo.

Sa women’s naman, pasok na rin sa finals si Roxanne Yu matapos sumegunda sa 200-m backstroke sa oras na dalawang minuto at 20 segundo.

Nagreyna naman ang pambato ng Vietnam na si Thi Anh Vien Nguyen na nakapagtala ng 2 minuto at 18 segundo. BOBBY TICZON

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply