Pilipinas kasama sa LeBron James tour

KASAMA sa bibisitahin ni NBA superstar na si LeBron James ang Pilipinas sa September 2.

Ayon sa official website ng Nike Philippines, ito’y dahil sa kanyang tour na pinamagatang “LeBron James Strive for Greatness Show.”

Ito na ang ikatlong beses na nagtungo ang kampeon sa bansa.

Unang binisita ni James ang Manila noong 2013 para sa kanyang “Witness” tour.

Bumalik naman ito noong 2015 para naman sa kanyang “Rise Beyond Belief” tour.

Gaya nang dati, inaasahan na muling dudumugin si Lebron ng kanyang mga Filipino fans. BOBBY TICZON

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply