PNP nakaalerto sa ‘resbak’ ng pamilya Parojinog

HANDA na ang Philippine National Police (PNP) sa kanilang puwersa sa Ozamiz City.

Kasunod na rin ito ng ulat na balak rumesbak ng pamilya ng napaslang na si Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog.

Ayon kay PNP Chief Di. Gen. Ronald dela Rosa sa ika-26 na anibersaryo ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa Kampo Aguinaldo, sakay umano ng dalawang malalaking bangka at galing ng Culambugan sa Lanao del Norte ang dagdag-pwersa ng pamilya Parojinog.

Dahil dito, sinabi ni Dela Rosa na inatasan na niya ang Regional Director ng PNP Region 10 na magdagdag-puwersa.

Isang company ng Regional Public Safety Battalion aniya ang ipinadala sa Ozamiz City para tumulong sa pagsasagawa ng checkpoint at pagpapanatili sa peace and order sa lugar.

Kinakailangan aniya na maging alerto ang PNP lalo’t malaking grupo at established na political personalities ang kanilang nakabangga ngayon.

Hindi rin isinasantabi ni Dela Rosa ang posibilidad na maaring samantalahin ng ibang grupo ang sitwasyon sa Ozamiz ngayon at palabasin na gumanti lamang ang pamilya Parojinog. JOHNNY ARASGA

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply