Price hike sa langis at LPG, umarangkada

lpg1

MULING tataasan ng mga kumpanya ng langis ang presyo ng kanilang mga produktong petrolyo ngayong unang araw ng buwan ng Agosto.

Ngayong araw magiging epektibo ang P0.35 na dagdag-presyo ng kada litro ng gasolina ng mga kumpanyang Petron, Total, PTT, SeaOil, Eastern, Phoenix, Shell at Flying V.

Magtataas naman ng P0.50 ang halaga ng kada litro ng diesel ng mga naturang kumpanya.

Bukod dito, magtataas rin ng P0.40 ang halaga ng kada litro ng kerosene ng mga kumpanyang Petron, SeaOil, Shell at Flying V.

Magsisimula alas-6:00 ng umaga ang pagpapatupad ng price increase sa lahat ng mga nabanggit na kumpanya, maliban sa Flying V na nauna nang magpatupad kaninang hatinggabi.

Noong nakaraang linggo ay nagtaas rin ang presyo ng langis hanggang P0.90.

Samantala, magtataas naman ng P5.36 sa kada kilo ng LPG ang Solane, habang P5.35 naman ang itataas sa kada litro ng Petron epektibo rin ngayong araw.

Apektado rin ang AutoLPG na matataas naman ng P3.00 kada litro. JOHNNY ARASGA

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply