South Korea pinaulanan ang Gilas

gilas1

PINAGLARUAN lang ng South Korea ang Gilas Pilipinas sa kanilang do or die quarterfinal game ng 2017 FIBA Asia Cup sa iskor na 118-86, kagabi, Miyerkules.

Masaklap ang pagkatalo ng Pilipinas dahil sa maganda naman ang performance nito nang ma-sweep ang unang tatlong laban sa prestihiyosong torneyo na ginanap sa Beirut, Lebanon.

Bagama’t ipinakita ng Gilas ang lahat ng kanilang makakaya, hindi pa rin umubra sa matinding shooting at zone defense ng Koreans.

Naging physical ang labanan ng dalawang magkaribal na koponan dahil sa matinding depensa na inilatag ng Gilas.

Pero hindi pa rin umubra ang mga Pinoy sa dami ng pumasok na three point shots mula sa South Korea.

Sa panig ng Gilas, nasayang ang pagsisikap ni Terrence Romeo sa 2nd quarter pero na-shutdown siya ng Korea pagsapit sa 2nd half. Nagtapos si Romeo ng 22 points, lahat ay sa 2nd quarter.

Sa init naman ng mga kamay ng Korean players nagawa nilang maipasok ang 16 sa 21 attempts sa three-point line.

Nanguna sa opensa ng SoKor si Sekeun Oh na may 22 points para umabanse sa semifinals at harapin ang nagkampeon na sa FIBA na Iran.

Samantala, ang Pilipinas ay nagkasya na lamang sa Classification Phase para sa 5th – 8th place.

Hindi naman bumitaw ang mga OFW na nanood sa Lebanon dahil hanggang sa huling segundo ng laro ay ipinakita nila ang kanilang suporta.

Gilas Pilipinas scores:

Romeo 22, Standhardinger 17, Pogoy 12, Castro 11, Aguilar 7, Wright 6, Jalalon 5, Abueva 2, Almazan 2, Fajardo 2, Cruz 0, Norwood 0. BOBBY TICZON

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply