Speaker Alvarez kay Faeldon: Magbitiw ka na

PINAYUHAN ni House Speaker Pantaleon Alvarez si Commissioner Nicanor Faeldon ng Bureau of Customs (BOC) na magbitiw na sa puwesto.

Sinabi ito ng speaker kay Faeldon upang hindi na aniya makaladkad nang husto ang pangulong Duterte.

“For me, I think he should spare the President further embarrassment, especially po dahil ‘yung kampanya ng ating Pangulo ay on illegal drugs and corruption.”

Binigyang-diin ni Alvarez na hindi ito usapin ng gramo-gramong shabu lamang kundi kilo-kilong nakalusot sa tsongki ng BOC.

“Tons po ang pinag-uusapan dito. ‘Yung corruption, malinaw na malinaw na sa committee hearing may corruption. Ang lalaki, malaki ‘yung corruption involved dito. So for those two main reasons, I think he should spare the President further embarrassment,” dagdag pa ni Alvarez.

Una nang nagbitiw sa puwesto ang dalawang tauhan ng BOC na sina dating Col. Niel Estrella at Milo Mastrecampo matapos mabanggit ang kanilang pangalan sa pagdinig ng Kamara ng customs broker na si Mark Taguba.

Kasabay nito, sinabi rin ni Alvarez na tinatapos na ng House Committee on Dangerous Drugs at Ways and Means Committee ang magkahiwalay na committee report kaugnay sa mga nagdaang pagdinig.

Si Alvarez ay minsan nang tinawag na “imbecile” ng chief-of-staff ni Faeldon na si Atty. Mandy Anderson bago pa man pumutok ang isyu ng paglusot ng may P6.4-bilyong halaga ng shabu sa BOC. MELIZA MALUNTAG

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply