SUMAGOT ANG ANGKAS

sibol54

NAGLABAS ng statement ang Angkas tungkol sa aksidente na kinasangkutan ng isa sa kanilang provider.

Nagpaliwanag ang Angkas kung anong nangyari sa aksidente at nag-update ito tungkol sa kondisyon ng kanilang rider at doon sa nakaangkas dito na medyo mas seryoso ang naging kondisyon dahil sa aksidente.

Pero ang tanong natin ano naman ang isasagot ng Angkas sa department order ng DOTr 2017-011 kung saan malinaw na nakasaad sa MOTORCYCLES AND OTHER FARM IMPLEMENTS such as the kuliglig are likewise NOT ALLOWED AS PUBLIC TRANSPORT CONVEYANCE.

Ang ibig-sabihin lang nito ay hindi pwedeng gamiting pamasada ang motorsiklo.

Hindi rin maaring gamitin ang motorsiklo bilang sasakyan ng Transport Network COMPANY na gumagamit ng app-based services, ayon sa department order ng DOTC at memorandum circular ng LTFRB.

In fact, binigyan na dati pa ng cease and desist order ng LTFRB ang Angkas na itigil na ang operasyon nila dahil nga sa mga paglabag nito sa mga polisiya sa public transportation.

Pero ang sigaw nga ng marami – Angkas lang ba ang gumagamit ng motorsiklo?

Mayroong habal-habal, Skylab o motorcycle taxi at iba pa. In fairness sa Angkas, at least may mga safety measure pa rin sila sa kanilang operasyon.

Ang sabi naman ng mga supporter ng Angkas – paano naman ang libo-libong umaasa sa Angkas, na dahil nga sa tindi ng traffic ay ito na ang pinili nilang paraan o mode of transport.

Kaya naman, ito ay isang hamon sa ating mga nanunungkulan sa hanay ng transportasyon.

Ipatitigil ba ang mga transport provider tulad ng Angkas o ire-regulate?

Kung ipatitigil naman, kaya ba nila? Kung ire-regulate naman, may batas na ba?

Matindi talaga ang kasalukuyang hamon sa sektor ng transportasyon.

Ang public need and demand ay muling sumisigaw na sana ay payagan na ang motorsiklo na pumasada tulad ng ginagawa sa ibang bansa.

Sa ating readers at followers, ano po ang inyong take dito? SIBOL/ATTY. ARIEL ENRILE-INTON

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply