Sundalong nakipaggiyera sa Marawi, dedo sa NPA

dead8

HINDI sa pakikipaglaban sa mga terorista kundi sa kamay ng New People’s Army (NPA) namatay sa Compostela Valley kaninang Biyernes ng umaga ang isang sundalo na nakipaggiyera sa Marawi City.

Nagtamo ng dalawag tama ng bala ng hindi pa malamang kalibre ng baril sa ulo at namatay noon din ang biktimang si Sgt. Delfin Dangayo. Si Dangayo ay nagbakasyon lamang para makipaglibing sa kanyang kasamahang sundalo na napatay sa Marawi conflict.

Nawawala ang 9mm service pistol ng biktima na pinaniniwalaang binitbit ng salarin sa kanyang pagtakas.

Blangko pa ang pulisya kung sino ang nasa likod ng pagpaslang pero isa sa sinisilip na may gawa sa krimen ay agaw-armas ng NPA squad.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong 8:55 a.m. sa national highway ng Mabini, Compostela Valley.

Ayon sa misis ng biktima na si Donnabel, bago ang pamamaril ay nagpaalam ang kanyang mister na makikipaglibing lamang sa kanyang kasamahang sundalo na kamakailan ay napatay sa Marawi siege.

Sasama sana siya ngunit hindi ito pumayag at baka may masamang mangyari sa kanila at nabigla na lamang siya nang nabalitaan ang nangyari rito.

Pabalik na ito sa Marawi City ngunit nakiusap ito sa kanilang opisyal na uuwi muna sa kanyang pamilya kahit tatlong araw lamang ngunit doon na ito napatay.

Napag-alamang nagmamaneho ng kanyang motorsiklo ang biktima nang pagbabarilin ng suspek. BOBBY TICZON

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply