Tabloid columnist, 1 pa sugatan sa Batangas shooting

KAPWA sugatan sa pamamaril ang isang columnist ng pahayagang Abante at Tonite at kasama nito sa isang shooting insident na ikinasa ng hindi nakikilalang aarmadong kalalakihan sa Batangas City kagabi, Miyerkules.

Sinabi ni S/Insp. Hazel Luma-Ang, Batangas police information officer, nakilala ang mga biktimang sina columnist Crisenciano Ibon, 65, at Gerry Ebreo.

Dinala si Ibon sa Camillus Hospital habang si Ebreo naman ay sa Batangas Medical Center.

Sa ulat, naganbap ang insidente dakong 8:30 p.m. sa bahay ng isang Mary Mendoza sa Brgy. Kumintang Ilaya, Batangas City.

Bago ito, nanonood ng telebisyon ang mga biktima sa bahay ni Mendoza nang biglang pagbabarilin ng mga suspek. BOBBY TICZON

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply