Talent manager Alfie Lorenzo, pumanaw na

SUMAKABILANG-BUHAY na ang batikang talent manager at entertainment columnist na si Alfie Lorenzo sa edad na 78.

Ang malungkot na balita ay kinumpirma ng pamangkin ni Lorenzo at kapwa niya talent manager na si Lolit Solis.

Ayon kay Solis, atake sa puso ang sanhi ng pagkamatay ni Lorenzo, na kabilang sa mga hinawakang artista ay sina Judy Ann Santos, Ruffa Gutierrez, Sunshine Cruz, Richard Gomez at iba pa.

Ayon kay Manay Lolit, nasa Solaire Resort and Casino si Lorenzo nang atakihin sa puso nitong Lunes ng gabi.

Isinugod siya sa San Juan de Dios Hospital sa Manila at doon binawian ng buhay.

Ilalagak ang mga labi ni Lorenzo sa Arlington Memorial Chapels sa Quezon City at dadalhin din sa kaniyang bayan sa Pampanga.

Samantala, sa isang Instagram post, inihayag naman ni Judy Ann ang kalungkutan at humiling ng panalangin para sa kaniyang Tito Alfie. BOBBY TICZON

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply