TASK FORCE IBON BINUO

TULAD ng dapat asahan, isang grupo ang binuo ng Batangas City police para sa ikadarakip ng mga nagtangka sa buhay ng kolumnistang si Cris Ibon.

Tatawaging Task Force Ibon, ito’y pangungunahan ni SPO4 Edsel dela Cruz, ayon kay Supt. Norberto Delmos, hepe ng lungsod.

Ang aksyon ni Col. Delmos ay bilang pagtalima sa direktiba ng DILG para sa dagliang paglutas sa nangyaring pag-ambus kay Ibon.

Si Ibon, kilalang hard-hitting na kolumnista ay pinagbabaril noong gabi ng Agosto 8 habang nanonood ng Gilas basketball game.

Tinamaan ito sa likod, ang bala ay tumagos sa kanyang baga, subalit nakaligtas ang mamamahayag, gayundin ang kanyang drayber na may tama rin sa likod.

Sa tulong ni USEC Joel Egco ng DILG, si Ibon ay pinadalhan ni Col. Delmos ng apat na pulis para i-secure sa mga nagtatangka pa rin sa kanyang buhay.

Sinabi ng pamilya Ibon na sila’y natatakot na baka bumalik ang mga suspek para todasin ang kolumnista ng pahayagang Police Files.

Sa kasalukuyan, sinisilip ng mga imbestigador ang ilang personalidad na konektado sa illegal gambling na siyang nagtangka sa buhay ni Ibon.

Sa kanyang mga nakaraang panulat, walang takot na tinutuligsa ni Ibon ang pamamayagpag ng iligal na sugal sa Batangas.

Partikular na binabanatan ng kolumnista ang umano’y mga personalidad na ‘malapit’ sa mga akalde ng Padre Garcia at Lipa City.

Ang mga binanabanggit na ‘malapit’ sa naturang dalawang alkalde ay umano’y nasa likod ng namamayagpag na iligal sugalan sa mga bayan na ito.

Ang Batangas ay isang lalawigan na pinag-aagawan ng mga aspiring provincial commander dahil malaki ang kita rito dahil sa vices.

Lahat na yata ng uri ng sugal, mula jueteng, lotteng at maging sugal lupa ay parang kabute sa rami kung ituring ng vice crusaders.

Kaya nga nang ipag-utos daw ni PNP chief Gen. Bato ang all-out campaign laban sa iligal na sugal noong Agosto 1 ay natuwa si pareng Cris Ibon.

Pero dahil nga sa walang puknat na birada, pinagtangkaan naman ang kanyang buhay.

Kaya ang hamon natin kay Region 4-A director Mao Aplasca at Provincial Director Col. Randy Peralta ay lutasin ang kaso ni Ibon sa lalong madaling panahon. CHOKEPOINT/BONG PADUA

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply