Traffic enforcer tigbak sa ambush

gunman6

INAMBUS ng hindi nakikilalang armadong lalaki ang isang barangay traffic enforcer sa Quezon City kaninang Miyerkules ng umaga.

Namatay noon din sanhi ng bala ng hindi pa malamang kalibre ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima na nakilalang si Teogenes Mendez, traffic enforcer ng Brgy. Pasong Putik.

Blangko pa ang mga tauhan ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), kung sino ang nasa likod ng pamamaril at maging ang motibo sa pagpatay sa biktima.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong 8”25 a.m. sa kanto ng Ilang-ilang St., at Oval Road, sa nasabing barangay.

Ayon sa CIDU, bago ang insidente ay lulan ang biktima sa kanyang motorsiklo at pagsapit sa lugar ay pinagbabaril na ito ng suspek.

Nahihiwagahan naman ang CIDU investigators dahil ang sabi ng misis nito at mga kapwa traffic enforcers ay walang kakilalang kaaway ang biktima.

May tatlong buwan pa lamang ang biktima sa pagiging barangay traffic enforcer. BOBBY TICZON

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply