Trak vs dyip, 2 dedo, 17 sugatan

truck-accident1

DALAWA ang nalagas habang 17 naman ang nasugatan kabilang ang isang dating pulis nang magsuwagan ang isang pampasaherong dyip at 14-wheeler truck sa Bataan town kaninang Biyernes ng umaga.

Sinabi ni C/Insp. Eduardo Guevara, hepe ng Dinalupihan Police, na isa sa mga biktima na nakilalang si Armando Dacayo, 43, ay idineklarang dead-on-arrival sa Bataan District Hospital.

Namatay noon din sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at katawan ang pasahero ni Dacayo na si Norma Estivar, 70m na nakapuwesto sa unahan ng dyip matapos itong tumilapon at magulungan pa ng trak.

Nasa kritikal na kondisyon naman ang driver ng dyip na si Ricky Mangalindan, dating pulis na naka-assign sa Dinalupihan police station.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong 9:35 a.m. sa national highway ng Brgy. Luacan, sa bayan ng Dinalupihan.

Ayon sa mga nakasaksi, may iniwasan na kotse ang trak na may plakang (UQA 482) na minamaneho ng isang Raymond Castro, 22, kaya sumalpok sa kasalubong na pampasaherong dyip na may plakang CWE 372.

Ang trak ni Castro na hawak na ngayon ng pulisya ay naghahakot ng buhangin. BOBBY TICZON

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply