U.S. nagpatupad ng travel ban sa North Korea

north-korea1

NAGLABAS ng travel ban sa North Korea ang Estados Unidos.

Ang ban ay epektibo simula sa September 1, 2017, sa lahat ng mayroong U.S. passport na babawalan nang magtungo sa North Korea.

Nakasaad naman sa abiso ng U.S State Department ang mga mamamahayag at humanitarian workers ay maaaring mag-apply para sa exemption sa ban.

Noong nakaraang buwan, sinabi na ng U.S. government na babawalan nito ang kanilang mamamayan na magtungo sa North Korea dahil sa banta ng ‘long-term detention’.

Sa ngayon, namumuo ang tensyon sa pagitan ng North Korea at Amerika.

Ito’y makaraang sabihin ng North Korea na sila’y bumubuo ng nuclear-tipped missile na kayang tumama sa Estados Unidos. JOHNNY ARASGA

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply