‘Wonder Woman’ robbery group, huli

BAGUIO CITY – Anim na babae na umano’y miyembro ng “Wonder Woman” robbery syndicate ang naaresto na nasa aktong nagnanakaw sa Baguio City kahapon, August 9.

Kinilala ng Baguio City Police Office (BCPO) Station 7 ang mga suspek na sina Theresita Medina Fulgencio, 64; Lorna Miranda Pagod, 51; Susan Ipac Imperio, 57; ng Carmen West, Rosales, Pangasinan; Gloria Ferrer Sinco, 62; Grace Venturia Talania, 41; ng Pugo, Sinait, Ilocos Sur; Imelda Tabay Sinco, 49, ng Bungro, Cabugao, Ilocos Sur; Estrella Galvez at Suzete Tinaza.

Sa imbestigasyon, sinabi ng BCPO na ang mga suspek ang nahuli sa isang central district ng Baguio City.

Napag-alamang ang mga suspek ay pawang umaakyat lamang sa Baguio City para lang makapagnakaw lalo na sa mga turista.

Ayon sa BCPO Station 7, ang mga suspek ay responsable sa mga nakaraang insidente ng bag slashing at snatching.

Nakakulong sa ngayon ang mga suspek sa BCPO Station 7 at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso. ALLAN BERGONIA

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply