2 testigo sa UST law student death, dumulog sa DOJ

doj1

DALAWANG testigo sa pagkamatay sa hazing victim na si University of Sto. Tomas law freshman Horacio Castillo III ang lumapit sa Department of Justice (DOJ), ayon kay Justice Sec. Vitaliano Aguirre II.

Sinabi ni Aguirre na isa sa mga testigo ay miyembro ng Aegis Jvris fraternity, habang ang isa naman ay hindi kabilang sa grupo ngunit maraming nalalaman ukol sa pagkamatay ng binata.

“Natatakot sila. Baka daw pagpunta nila sa NBI (National Bureau of Investigation) maraming makakilala sa kanila kaya dumiretso sa akin,” saad ni Aguirre.

Dagdag ng kalihim, makikipag-ugnayan ang NBI sa Interpol para matunton ang kinaroroonan ni Ralph Trangia, isa sa mga pangunahing suspek sa pagkamatay ni Castillo na nakalabas na ng bansa.

“Sign of guilt ‘yung mabilisan niyang paglabas ng bansa matapos ang insidente… Magiging fugitive of justice siya,” ani Aguirre.

Ipinapakansela na rin ng Philippine National Police (PNP) sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang pasaporte ni Trangia.

Ayon sa Bureau of Immigration (BI), lumipad papuntang Taiwan si Trangia noong Martes, isang araw matapos pumutok ang balita ukol sa pagkamatay ni Castillo.

Ito’y bago pa nailagay si Trangia at 15 pang miyembro ng fraternity sa immigration lookout bulletin noong Miyerkules.

Si Castillo, 22, ay namatay sa initiation rites ng Aegis Jvris fraternity noong nakaraang Sabado dahil sa atake sa puso bunsod ng dinanas na pagpapahirap.

Dinala ito sa Chinese General Hospital noong Linggo ngunit idineklarang dead-on-arrival. BOBBY TICZON

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply