2 Vietnamese nat’l dedo sa illegal fishing

dead7

BOLINAO, PANGASINAN – Patay ang dalawang Vietnamese fishermen habang arestado ang lima na umano’y sangkot sa “illegal fishing” naman ang lima pa matapos makipagbarilan sa mga tauhan ng Philippine Navy sa may area ng West Philippine Sea (South China Sea) noong hapon ng Sabado, September 23.

Ayon kay Northern Luzon Naval Forces spokesman Lt. Jose Covarrubias, inaalam pa ang mga pagkakakilanlan ng dalawang Vietnamese na namatay.

Ayon kay Covarrubias, sakay ng isag foreign vessel ang mga Vietnamese at iligal na punasok ng Philippine waters sa may exclusive economic zone (EEZ).

Dahil dito, nagpatrolya ang PN sa nasabing area ng EEZ at dito unang nagpaputok ang mga Vietnamese fishermen sanhi upang lumaban pabalik ang mga PN.

Napag-alamang ang mga dayuhan ay ay iligal na nangingisda sa EEZ na may 32 nautical mile na sakop ng bansa sa may Bolinao, Pangasinan,

Samantala, nakakulong ngayon ang limang Vietnamese na nahuli sa Bolinao police at patuloy na nagsasagawa ng follow-up investigation ang mga police hinggil sa insidente. ALLAN BERGONIA

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply