4 patay sa diarrhea outbreak sa Quezon

dead3

ISINAILALIM na sa state of calamity ang bayan ng Quezon sa lalawigan ng Palawan dahil sa diarrhea outbreak.

Ito’y matapos mamatay ang apat na residente bunsod ng diarrhea na sinasabing nag-ugat sa kontaminadong tubig sa naturang bayan.

Ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) ng Quezon, nagsimula sa Brgy. Pinaglabanan ang outbreak.

Gayunman, naapektuhan na rin ang iba pang barangay, at ang mga nasabing biktima ay mula na rin sa Brgy. Alfonso VIII at Malatgao.

Sa pagdedeklara ng state of calamity, maaring magamit ng munisipalidad ang kanilang calamity funds para mabigyang-tulong ang mga pasyente sa kanilang gamutan. JOHNNY ARASGA

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply