ANOTHER KIAN DELOS SANTOS-LIKE EXECUTION

HINDI pa humuhupa ang public indignation dahil sa Kian Lloyd delos Santos murder ay may panibagong problema na naman ang PNP.

Ang mga ebidensiya sa pagkamatay ni Carl Angelo Arnaiz, 19, dating University of the Philippines student ay katulad ng pagpatay kay Kian.

Incidentally, sina Kian at Carl ay parehong nasawi sa magkahiwalay umanong police operation na isinagawa ng pulisya ng Caloocan.

Sa isinagawang awtopsy ng Public attorneys Office, si Carl ay binaril na nakaluhod, ang mga kamay ay may sugat na bakas ng posas.

Taliwas ito sa pahayag ng Caloocan police na lumaban si Carl matapos masukol sa C-3 Road dahil sa panghoholdap sa isang taxi driver.

Pero sa panig ng mga magulang ng biktima, sinabi nila na si Carl ay hindi maaaring maging holdaper dahil ito’y mabait na bata.

Iginiit nila na ‘di kailanman nagkaroon at ‘di marunong humawak ng baril ang anak kaya naging palaisapan ang shootout version ng pulisya.

Nagtutunggali ang bersyon ng pamilya ni Carl sa bersyon ng mga pulis, pero ang mahalaga ay ang mga ebidensya na magpapatotoo sa tunay na nangyari.

Para malaman ang katotohanan, siguro’y kailangang – tulad ng Kian case – magsagawa ang mga senador at kongresista ng inquiry.

Sa pamamagitan kasi ng Senate at congressional inquiries, walang pangamba na hindi lalabas ang katotohanan sa tunay na nangyaring patayan.

At habang sinusulat din natin ito ay hindi pa nakikita ang nawawalang 14-year old na kasama ni Carl na umalis sa kanilang barangay.

Nangangamba ang mga magulang ng binatilyo na baka sinapit din nito ang tulad ng nangyari kay Carl na baka patay na rin ito.

Ang kaduda-dudang pagkamatay nina Kian at Carl ay hindi makabubuti, bagkus nagbibigay ng bad impression sa war on drugs ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Dahil sa nangyari kay Kian, nasabi natin noon na sana’y wala nang susunod pang ‘Kian’ sa pinaigting na giyera sa droga ng pamahalaan.

At ngayon ay sasababihin na naman natin – sa pagkakataong ito, dalangin natin na wala nang suusunod na ‘Carl’ sa mga isasagawang operasyon ng pulisya. CHOKEPOINT/BONG PADUA

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply