Balut vendor tinarakan dahil sa tsismis, patay

UTAS sa maglive-in partner na balut vendor ang isang  26 -anyos na lalaki matapos saksakin dahil sa tsismis sa Tondo, Maynila kaninang madaling-araw.

Hindi na umabot pang buhay sa Mary Johnston Hospital ang biktimang si Bryan Lanuza, may live-in partner, vendor  ng 1663 Interior 30 F. Varona St., Tondo, Maynila dahil sa tama ng saksak sa dibdib.

Naaresto naman ang isa sa dalawang suspek at kasamahan sa trabaho ng biktima sa isang  follow-up operation na si Rachelle Fuentes, 24, balut vendor ng  Chesa St., Tondo habang pinaghahanap pa ang kinakasamang si Michael Seguiza, 24, ng Chesa St.

Sa report ni  SPO3 Glenzor Vallejo ng Manila Police District-homicide Section, dakong 12:30 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa harapan ng Lita’s Videoke Bar na matatagpuan sa Ilaya St., Tondo.

Sa imbestigasyon ng pulisya, kadarating lamang ng biktima sa nasabing lugar kasama ang live-in partner na si Mary Jane Surla at ang anak nito nang komprontahin ng suspek na si Fuentes.

Galit umano si Fuentes at inakusahan si Surla sa pagkakalat ng balita na lilipat na sa kaniyang amo sa tindang balut sila Fuentes at Seguiza.

Itinanggi ito ni Surla at sinabing ang isang alyas “Jesusa bakla” ang nagkalat ng tsismis pero hindi pinaniwalaan ni Fuentes kaya nauwi sa mainitang pagtatalo sa pagitan naman ng kanilang mga kalive-in.

Unang hinataw umano ng peanut metal hanger ni Fuentes ang biktima habang isang saksak naman sa dibdib ang ibinigay ni Seguiza baso sila tumakas. Nadakip naman ng Dagupan Police Community Precinct (PCP) ang suspek na si Fuentes. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply