Barko sumadsad sa isla sa Romblon, 33 sugatan

romblon1

SUMADSAD ang naglalayag na barko sa isang isla sa bayan ng Calatrava ng Tablas sa Romblon kaninang alas-5:00 ng madaling-araw.

Sa ulat, galing Batangas Port ang barkong M/V Maria Matilde at papunta ito ng Romblon Port via Odiongan nang maganap ang insidente.

May 33 pasahero naman ang sugatan nang tumilapon sila dahil sa lakas ng pagkakabunggo.

Nabatid na nayupi rin ang harapang bahagi ng sasakyang-pandagat.

Bandang alas-7:00 ng umaga nang makarating sa pantalan ng Romblon ang mga pasahero ng nasabing barko.

Isa sa sinisilip na dahilan sa insidente ay ang pagpalya umano ng global positioning system (GPS) ng vessel.

Kasalukuyan namang nagsasagawa ng imbestigasyon ang Philippine Coast Guard (PCG) sa sanhi ng aksidente. BOBBY TICZON

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply