Beermen nakabawi sa 2 sunod na talo vs Painters

smb1

NAKABANGON mula sa dalawang sunod na pagkatalo ang San Miguel Beermen matapos na padapain ang Rain or Shine Elasto Painters sa iskor na 103-96.

Nanguna sa panalo ng Beermen si Chris Ross na nakapagtala ng 27 points habang nakapag-ambag naman ng 22 points si Marcio Lassiter, 18 points kay Arwind Santos at 17 points at 14 rebounds naman kay 3-time MVP June Mar Fajardo.

Ang Beermen at Painters ay parehas na mayroong apat na panalo at tatlong talo.

Sa unang laro, hindi pinaporma ng TNT KaTropa ang Meralco Bolts, 113-107, sa kanilang paghaharap sa PBA Governor’s Cup.

Naging bayani sa panalo ng TNT si Glen Rice, Jr. na nakapagtala ng 32 points at 11 rebounds habang mayroong 27 points naman ang kabuuang nagawa ni Jayson Castro.

Mula unang quarter ay hawak ng TNT ang kalamangan hanggang sa pagpasok ng third quarter ay nakapagtala ng 20-8 run ang Bolts sa pamamagitan ni Allen Durham na umiskor ng kabuuang 39 points at 24 rebounds.

Mayroon nang limang panalo at tatlong talo ang TNT habang mayroong limang panalo at dalawang talo naman ang Bolts. BOBBY TICZON

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply