Beermen pinutol ang 7-win streak ng Ginebra

PINUTOL ng San Miguel Beermen ang pitong magkakasunod na panalo ng Barangay Ginebra San Miguel sa iskor na 107-103 sa ginaganap na PBA Governor’s Cup sa Araneta Coliseum kagabi.

Nagpakitang-gilas ang bagong import ng Beermen na si Terrence Watson na nakapagtala ng 28 points at 17 rebounds.

Kahit pa ito ang unang laro ni Watson sa koponan, hindi ito nag-atubiling ipamalas ang kanyang kakayahan sa mga dunks na ipinukol nito na ang isa’y sa harap pa mismo ni Ginebra import Justin Brownlee.

Nag-ambag naman ng 23 points si Arwind Santos habang mayroong 20 points, apat na rebounds, limang assists at apat na steals si Chris Ross.

Umabot pa sa 26 points ang lamang ng Beermen sa pagtatapos ng first half at sa huling bahagi na lamang ng last quarter nakahabol ang Ginebra.

Dahil sa panalo ay mayroon nang 5-3 win-loss record ang Beermen habang 7-2 naman ang Ginebra. BOBBY TICZON

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply