Binatilyong nahuli sa Sulu checkpoint, miyembro ng ASG

NASILO ng awtoridad ang isang binatilyo na aktibong miyembro ng teroristang Abu Sayyaf Group (ASG) sa Sulu.

Ayon sa ulat ng Joint Task Force Sulu, ang suspect na nakilalang si Alvin Kadil, 16-anyos na nasabat sa isang checkpoint ng 45th Infantry Battalion ng Philippine Army sa Barangay Buhanginan, Patikul, Sulu nitong nakaraang Biyernes ng gabi ay nakumpiskahan ng isang granada.

Sa isinagawang interogasyon, inamin mismo ng suspect na 10 taong gulang pa lamang siya  nang sumali siya sa teroristang grupo.

Base naman sa record ng militar, ang binatilyong bandido ay wanted sa kasong murder na inilabas ng korte sa Sulu noong Pebrero 7 taong 2012.

Nasa number 11 rin siya sa listahan ng Periodic Status Report of Threat Group (PSRTG) na nasa ilalim ng grupo nina ASG Sub-leaders Basaron Arok at Hajan Sawadjaan.

Inihayag pa ng nahuling bandido sa militar na mayroon pa siyang apat na mga malapit na kaanak na aktibong kasapi ngayon ng Abu Sayyaf kabilang na dito ang kanyang tiyuhin at tatlo pa nitong mga anak.

Ibinigay na ito sa kustodiya ni Senior Insp. Exodus Rodriguez,  hepe ng Patikul municipal police station para sa dagdag na ihahaing reklamo ng illegal possession of explosive laban sa kanya. BOBBY TICZON

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply