Blackwater humirit ng do-or-die game vs Bolts

NAGWAGI man laban sa San Miguel Beermen nitong nakaraang araw lamang, natalo naman ang Meralco Bolts sa kamay ng Blackwater Elite sa iskor na 92-91 sa kanilang paghaharap sa PBA Governors’ Cup quarterfinals nitong Martes ng gabi.

Ang import ng Blackwater na si Henry Walker ang kumamada at nakapagtala ng 30 points habang nakapagtala ng 20 points, 18 rebounds, at anim na assists naman si Mike Digregorio at mayroong 15 points naman si Allein Maliksi.

Umabot pa sa 10 points ang kalamangan ng Blackwater sa second quarter hanggang makabangon ang Bolts at nakuha ang kalamangan, 42-40, sa pagtatapos ng 1st half.

Dahil sa panalo ng Blackwater ay magkakaroon ng knockout game sa Huwebes.

Samantala, pasok na sa semifinals ng PBA Governors’ Cup ang Star Hotshots matapos talunin ang NLEX Road Warriors, 89-77.

Bumida sa panalo ng Star si import Kristrofer Acox na nakapagtala ng 21 points at 12 rebounds.

Nagdagdag naman ng 18 points si Paul Lee habang mayroong 14 points si Ian Sangalang.

Hawak pa ng NLEX ang kalamangan sa third quarter, 61-53, hanggang sa mahabol ito ng Star pagpasok ng last quarter.

Dahil sa panalo ay naging unang koponan ang Hotshots na makapasok sa semis. BOBBY TICZON

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply