Chairman Chito Gascon pinagbibitiw para sa 2018 budget ng CHR

MALAKI ang posibilidad na maibalik sa dati ang orihinal na badyet ng Commission on Human Rights (CHR) at Energy Regulatory Commission (ERC) na binigyan ng tig-P1,000 alokasyon para sa 2018 kapag nagsipagbitiw ang mga pinuno ng ahensya.

Tiniyak ito ni House Minority Leader Danilo Suarez sa isang press conference kung magbibitiw sa puwesto sina Chairman Chito Gascon ng CHR at Chairman Jose Vicente Salazar ng ERC.

“I am willing to ask the majority to reconsider the P1,000 budget of CHR if there will be a reorganization. If he (Gascon) will stay there, we will standfast on our P1,000. Pero kung magre-resign siya (Gascon)ire-reconsider namin iyong position ng budget ng CHR,” ani Suarez.

Ang CHR ay may budget allocation na P649.484-milyon, ang ERC ay P351-milyon at ang National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) na may alokasyon na P1.188-milyon ngunit nabigyan din ng P1,000 badyet.

Sa naaprubahang budget sa ikalawang pagbasa ay nananatiling may pinakamalaking badyet ang education sector para sa 2018 General Appropriations Bill na P3.76-trilyon.

Ang sektor ng edukasyon ay may kabuuang alokasyon na P691.1-bilyon kung saan ang Department of Education (DepED) ay pinaglaanan ng P613.1-bilyon; Commission on Higher Education (CHED) ay P13.5-bilyon at State Universities and Colleges (SUCs) na P64.6-bilyon.

Nangunguna rin sa may malalaking badyet sa 2018 ang Department of Public Works and Highways (DPWH)-P643.3 bilyon; Department of Interior and Local Government (DILG) – P172.3 bilyon; Department of Health (DOH)- P164.3 bilyon; Department of National Defense (DND)- P145 bilyon; Department of Social Welfare and Development (DSWD)-P138 bilyon; Department of Transportation (DOTr)- P73.8 bilyon; Department of Agriculture (DA)-P54.2-bilyon; Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM)- P33.5-bilyon at Department of Environment and Natural Resources (DENR)- P27.9-bilyon.

Matapos maipasa sa ikalawang pagbasa na may sertipikasyong “urgent” ni Pangulong Duterte, isinulong ni House Majority Leader Rodolfo Fariñas ang pagbuo sa isang maliit na komite upang siyang magresolba sa mga amienda at magpasok nito sa HB 6215 o ang GAB.

Ito’y kabibilangan nina Fariñas, House Committee on Appropriations chairman Rep. Karlo Alexei Nograles, Maria Carmen-Zamora, Federico Sandoval, Mark Aaron Sambar, Dakila Carlo Cua at House Minority Leader Danilo Suarez. MELIZA MALUNTAG

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply