CIDG at NBI, kukuwelyo kay Misuari

INATASAN ng Sandiganbayan 3rd Division ang dalawang law enforcement agencies para kwelyuhan si Moro National Liberation Front (MNLF) founding chairman Nur Misuari kaugnay sa alegasyong korapsyon.

Kaninang Miyerkules ng umaga lamang nang ipinalabas ng korte ang arrest warrants laban kay Misuari matapos maky makitang sapat na katibayan o probable cause para isalang sa pagdinig ang dating Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) governor at maging ang iba pang ARMM officials at pribadong indibidwal sa dalawang counts of graft at 2 counts of malversation sa umano;y maanomalyang pagbili ng educational materials noong 2000.

Ang warrants, na may petsang Aug. 31, 2017, ay ni-release sa Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) at sa National Bureau of Investigation (NBI), at ang kanilang local counterparts sa Cotabato City, pahayag ni 3rd Division Clerk of Court Dennis Pulma.

Nagtakda naman ang korte ng P200,000 – P460,000 na bail bawat isa para sa kasong malversation through falsification, at P30,000 bawat isa para naman sa kasong graft.

Sinabi ni MNLF spokesperson Rev. Absalom Cerveza, handa namang ipagtanggol ni Misuari ang kanyang sarili sa mga kasong nabanggit.

Hindi naman tiyak pa ang korte kung may probable cause para isalang sa pagdinig si Misuari para sa 2 iba pang kaso na may koneksyon sa umano’y maanomalyang educational materials purchase- isang graft at isang malversation through falsification charge dahil inatasan pa ang prosekusyon na magbigay ng karagdagang ebidensya.

Sa anim na reklamo, sinabi ng Office of the Ombudsman na si Misuari at iba pang akusado ay gumastos ng P115-million para sa educational materials na nabuko na non-existent dahil hindi naman nai-deliber sa natokang recipients. BOBBY TICZON

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply