COMM. SID LAPEÑA, MAG-INGAT SA NAKAPALIGID NA TAO

SINO ba itong si Attornina Mangawangwang na ipanagkakalat sa madlang people na siya raw ay malakas sa bagong nakaupong Commissioner ng Bureau of Customs?

Ayon sa aking impormante, ito raw si Attornina Mangawangwang ang kilalang lintik tumara sa mga manlalaro ng basketball noong siya ay nakaposisyon pa sa Customs noong panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Tsk. Tsk. Tsk. Kaya pala multi millionaire si Attornina.

Comm. Lapeña, totoo ba na malakas sa inyo si Attornina Mangawangwang at kanyang pinagsisigawan sa mga manlalaro ng basketball na siya raw ang dapat kausapin kapag may problema sa kargamento ang mga manlalaro sa OCOM?

Para sa kaalaman mo Comm. Sid, ayon sa aking mga aso, ikaw raw ay tapat at mapagkakatiwalaan na opisyal ng gobyerno.

‘Wag mo lang hahayaan na mapasukan ka ng tao na katulad ni Attornina Mangawangwang.

Ipagtanong-tanong mo muna sa paligid mo kung sino yang kamote na ‘yan para saganoon ikaw ay ‘di matulad kay Ex-Comm. Nicanor Faeldon.

Alam mo ba na si Attornina Mangawangwang ay naglingkod din kay Ex-Comm. Faeldon?

Subalit lingid sa kaalaman ni Faeldon, isa si Atornina Mangawangwang sa nagbibigay ng impormasyon sa mga magigiting nating mga kongresista patungkol sa masasamang bintang kay Ex-Comm. Faeldon.

Paalala lamang sa iyo Comm. Sid, mag ingat at maging mapagmatyag sa iyong paligid.

Baka pumutok na ikaw ay tumanggap ng pasalubong, ‘yun pala ay si Attornina Mangwangwang na ang tumanggap para sayo. Heheheeeee!

Magaling manalisi at magtraydor ‘yan.

oOo
Anomang puna o reklamo i-text sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply