Dedo sa Mexico quake, 58 na

SUMIRIT pa sa 58 katao ang namatay sa magnitude 8.1 na lindol sa southern coast ng Mexico.

Ayon sa awtoridad, karamihan sa mga biktima ay naipit sa mga gumuhong gusali sa Tabasco, Oaxaca at Chiapas.

May 45 ang namatay sa Oaxaca, 10 sa Chiapas at tatlo naman sa Tabasco.

Sinabi ni Mexican President Enrique Peña Nieto na mahigit 200 katao pa ang sugatan.

Dagdag pa nito, inaasahan pang madadagdagan ang bilang ng mga namatay dahil hindi pa natatapos ang rescue operations.

Samantala, patuloy pa rin ang panawagan ni Florida Governor Ric Scott sa kanyang mga kababayan na agad na lumikas.

Naghahanda na rin ang Cuba at Bahamas dahil sa malaking tyansa ang pagtama ng hurricane Irma sa kanilang lugar. BOBBY TICZON

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply