DUTERTE, SUPORTADO PA RIN NG MAYORYA NG PINOY

ALINGAWNGAW_Alvin-Feliciano_WEB4

MAS marami pa ring mga Pilipino ang sumusuporta sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte base na rin sa bilang ng mga dumalo sa katatapos na National Day of Protest kasabay ng ika-45 taong anibersaryo ng pagdedeklara ng martial law.

Bagama’t hindi pinaghandaan ng mga organizer at naging biglaan ang ginawang pagtitipon sa Plaza Miranda sa Quiapo, Maynila ay kitang-kita na dinagsa pa rin ng mga tagasuporta ni Duterte ang makasaysayang lugar.

Kahit na umulan at umaraw ay hindi nagpatinag ang mga taong nagbigay ng suporta sa ating Pangulo dahil ayon nga sa kanila, ang kanilang ginagawa ay bilang pagpapakita ng buong pusong pagtugon sa panawagan na ipagpatuloy ni Duterte ang paglaban sa iligal na droga at korapsyon sa bansa.

Bagama’t karamihan sa mga nagsipunta sa Plaza Miranda ay nagmula sa Metro Manila, may mga supporters din na nanggaling pa sa mga karatig lalawigan dahil ayon sa mga ito, isang paraan nila ito ng pagpapakita ng suporta.

Napansin din natin sa pagtitipon ang mga nasunugan sa San Miguel, Maynila na natulungan ng Pangulo at ang kanilang ginawa raw na pagpunta sa Plaza Miranda ay bilang pagganti sa ipinakikitang kabutihan ni Duterte.

Kahit na dinumog ng maraming supporter ay napansin natin na may mga disiplina pa rin ang mga taong nagsipunta sa Plaza Miranda, halimbawa na rito ang pamimigay ng pagkain at inumin kung saan makikitang nakapila ang mga ito at hindi nag-aagawan.

Isa itong senyales na sinusunod ng mga tagasuporta ng Pangulo ang mahigpit na tagubilin nito, ito ay ang pagkakaroon ng disiplina sa sarili nang sa gayon ay pamarisan ito ng iba at gawing halimbawa.

May mga grupo namang nagtungo sa Luneta na tumututol sa kampanya ni Duterte laban sa iligal na droga ngunit mas kaunti lamang ang bilang ng mga ito kung ikukumpara sa mga taong nagpunta sa Plaza Miranda.

Sa kabuuan, naging mapayapa naman ang ginanap na National Day of Protest ay nagpapasalamat tayo sa mga tauhan ng Philippine National Police dahil sa kanilang mahigpit na pagbabantay upang maging mapayapa ang okasyon. ALINGAWNGAW/ALVIN FELICIANO

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply