EARTHQUAKE DRILL AT ARAW NG PROTESTA

benny-antiporda12
SA sa mga naisip ng ilang awtoridad ngayong araw ang pagsasagawa ng pagsasanay sana laban sa lindol o earthquake drill.
Isasabay sana ito sa idineklara ni Pangulong Rodrigo ‘Digong’ Duterte na Pambansang Araw ng Protesta.
Nag-ugat ang deklarasyon sa paggunita ng martial law na idineklara ni dating Pang. Ferdinand Marcos noong Setyembre 21, 1972.
SECOND ROUND SA MEXICO
Nitong nakaraang Setyembre 8, nilindol ang katimugang bahagi ng bansang Mexico ng magnitude 8.2 at nasa 100 ang namatay at libo-libong gusali, kasama ang mga tahanan, ang bumagsak o nasira.
Kahapon naman,  magnitude 7.1 na lindol ang tumira muli sa Mexico ngunit sa kalagitnaan naman ng nasabing bansam, kasama ang Mexico City.
Habang tinitipa natin ito, mga Bro, mahigit 200  katao na ang patay at maraming gusali rin ang bumagsak, kasama ang mga eskwela, condominium, palengke at mall.
KATULAD NG “THE BIG ONE”
Ang huling lindol sa Mexico, mga Bro, ay kasinglakas ng sinasabing “The Big One” na magaganap anomang araw sa Metro Manila at mga lalawigan ng Bulacan, Rizal at Cavite.
Sinasabing maaaring papatay agad ito ng nasa 30-50 libo katao at kung maaapektuhan o guguho ang Angat Dam, maaaring mamamatay rin ang 100,000 tao sa daraanan ng tubig nito na aabot ang taas sa 30 metro.
Katulad sa nagaganap sa Mexico, nasisira pati ang mga ospital, nawawala ang mga suplay ng kuryente at tubig at hindi kaagad makapagsagawa ng mga search and rescue ang mga awtoridad dahil barado at madilim ang lugar.
Alalahanin din na gabi ang pagtama ng mga nasabing lindol sa Mexico at posibleng maganap din ito kapag dumating na ang The Big One.
Kapag nagsama-sama ang mga kamalasang ito, anak ng tokwa, wala tayong magagawa sa simula kundi magdasal at hingin ang awa ni Bathala.
Sayang nga lang at pinospon ang earthquake drill.
PINUPULITIKA
Noong sinabi ng pamahalaan na maaaring magsagawa ng earthquake drill ang mga awtoridad sa araw na ito, kaagad sinabi ng mga kritiko ng pamahalaan na panligaw lang sa mga dapat na pag-usapan ngayon ang earthquake drill.
Gusto nilang higit na pag-usapan ang tinatawag nilang extrajudicial killings at mabangis na giyera sa droga ng pamahalaan na ikinamatay na umano ng libo-libong Pinoy.
Oks lang sa atin lahat ito, mga Bro,
Pero dapat na isama ang korapsyon at pandarambong at kasama sa mga korap at mandarambong ang mga tauhan ng nakaraang administrasyon na hanggang ngayon ay nakaupo pa sa pamahalaan at hindi basta matanggal upang magkaroon sana ng pagbabago.
Meron namang wala na sa posisyon pero nananatiling alaga ng mga ito ang mga nakaupong tauhan ng nakaraang administrasyon gaya ng mga nasa Ombudsman.
Isama rin sa pag-usapan ang mga programang ngayon lang nakakamit ngunit ipinagkait ng nakaraang administrasyon.
IPINAGKAIT
Maraming pinabayaan o ipinagkait ng nakaraang administrasyon.
Kabilang dito ang kapakanan ng nasa tatlong milyong matatanda o senior citizen na miyembro ng Social Security System na kahit papaano ay nabigyan na tig-P1,000 bawat isa ngayon.
Pinabayaan o sadyang inililigwak din noon ang karapatan para sa libreng edukason sa kolehiyo at ngayon lamang nasagot ang problemang ito.
Hindi rin pinapansin noon ang kalusugan ng mga mamamayan at lumabas ngang mahigit sa kalahati ng 100-milyong Filipino ang anemic.
Bilang isang mabisang gamot sa problemang ito, naririyan ang programang libreng pag-aaral ng mga may gustong maging doktor.
Pinabayaan din na manalasa ang programang kontraktuwalisasyon at ngayon lang napasimulan ang mga programang laban dito bagama’t malaking sagka ang batas na nagsusulong ng iskam na ito laban sa mga obrero.
Pinabayaan ding manalasa ang droga na naging kakambal ng mga krimen na nagaganap mula sa loob ng mga tahanan hanggang sa mga kalsada, eskuwela at opisina.
PROTESTAHIN
Marami sa mga nagpoprotesta ngayon ang may kamay sa nasabing mga kapabayaan at pagsusulong ng mga gawain at programang anti-mamamayan. At ito ang isa sa mga kaprote-protesta na usapin.
Sila na nga ang may kagagawan ng kamalasan ng mga mamamayan, sila pa ang may lakas ng loob na magsabing dapat na protestahin ang pamahalaang nagdadala na ngayon ng malawakang pagbabago.
Sa kilos ng mga ito na gamit ang protesta para itumba ang pamahalaan ngayon at para sila ang mamamayani, hindi kaya gusto lang nilang ibalik ang kanilang kapabayaan at kawalang ng tunay na paglilingkod sa bayan?
oOo
Anomang reklamo o puna, mangyaring i-text lamang po sa 09228403333. ULTIMATUM/BENNY ANTIPORDA
loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply