Ex-HPG Central Luzon chief, anak patay sa ambush

crime-6

PATAY ang dating hepe ng PNP-Highway Patrol Group sa Central Luzon at anak nito matapos silang tambangan ng mga hindi pa nakikilalang mga salarin sa Mariveles, Bataan, Lunes ng hapon.

Kinilala ang mga napatay na sina Napoleon Cauayan, retiradong hepe ng HPG-Central Luzon, at ang 21-anyos na anak nitong si Napoleon Christopher.

Sa inisyal na imbestigasyon, magkasamang dumating sa isang sabungan sa bayan ng Mariveles ang mag-ama lulan ng isang pribadong sasakyan.

Matapos iparada ang sasakyan, magkasabay na naglakad ang mag-ama papasok ng sabungan.

Gayunman, ilang hakbang pa lamang mula sa sasakyan ay bigla na lamang pinaulanan ng bala ng hindi bababa sa tatlong armadong salarin ang mga biktima.

Nang tuluyang bumulagta ang mga biktima ay tuluyang tumakas ang mga gunman.

Nagpapatuloy ang pagkalap ng ebidensya ng mga imbestigador sa pagkakakilanlan ng mga salarin at posibleng mastermind sa pagpatay sa mag-ama. JOHNNY ARASGA

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply