Ex-tanod binoga sa tindahan, tigbak

gun1

PATAY na nang matagpuan ang isang dating barangay tanod matapos barilin ng hindi pa nakilalang lalaki sa loob ng kanyang tindahan sa Quezon City kaninang Miyerkules ng umaga, Setyembre 13.

Nagtamo ng tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang nakilalang si June Emlang, ng Brgy. Batasan Hills.

Blangko pa ang mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) kung sino ang salarin at kung ano ang motibo sa pagpatay sa biktima.

Ayon sa isang residente, nakarinig siya ng isang putok ng baril at nang tingnan ang pinanggalingan nito ay nakitang duguan na si Emlang sa loob ng tindahan.

Ayon sa mga kaanak ng biktima, wala umanong alam na kaaway si Emlang, na napag-alamang dati nang sumuko sa Oplan Tokhang pero nagnegatibo naman nang isailalim ito sa drug test. BOBBY TICZON

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply