Federer, Nadal abanse na sa US Open quarterfinals

PASOK na sa quarterfinals ng US Open ang Swiss star na si Roger Federer nang maghari ito laban kay Phillipp Kohlschreiber.

Dinomina ni Federer ang No. 33 seed sa iskor na 6-4, 6-2, 7-5.

Nabatid na nag-medical timeout ang Swiss matapos ang second set pero hindi nito nahadlangan ang paglampaso nito sa German player.

Haharapin naman ng No. 3 seed na si Federer sa quarterfinals ang Argentinian na si Juan Martin del Potro.

Napag-alamang nagtunggali na ang dalawa noong finals ng 2009 US Open at nanalo ang Argentinian.

Samantala, mabilis namang nakapasok sa quarterfinals ng US Open si Rafael Nadal matapos pataubin si Alexandr Dolgopolov.

Nakuha ng pambato ng Spain ang iskor na 6-2, 6-4 at 6-1 na score para tuluyang madispatsa ang 28-anyos na Ukrainian tennis star.

Ayon kay Nadal, naging solid ang paghaharap niya kay Dolgopolov dahil sa bahagyang nahirapan ito.

Susunod na makakaharap nito ang 19-anyos na Russian tennis player na si Andrey Rublev. BOBBY TICZON

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply