GUANZON, LIM TUNAY NA PANGGULO SA COMELEC

badillangayon

WALANG karapatang mag-akusa at magpaalis ang mga opisyal ng pamahalaan sa kapwa nila opisyal kung higit silang pabaya sa trabaho at magnanakaw kumpara sa inaakusahan at pinagbibitiw nilang opisyal.

Ganito ang kinaiinisan ngayon ng mga kawani ng Commission on Elections.

Ayon sa reklamo na ipinarating sa Badilla Ngayon, sina Commissioner Rowena Amelia Guanzon at Commissioner Christian Robert Lim ay silang tunay na sagabal at sakit ng ulo sa COMELEC at hindi ang pinagtutulungan nilang si Comelec Chairman Juan Andres “Andy” Bautista.

Sina Comm. Guanzon at Comm. Lim ang nangunguna sa pag-atake at pagpapabitiw kay Bautista.

Pinagbibitiw ng dalawa si Bautista dahil hindi na raw nito nagagampanan ang kanyang mga tungkulin at gawain bilang pinuno ng Comelec dahil sa umano’y impeachable offense na isinampa sa Kamara del Representantes at away nila ng kanyang asawang si Patricia Bautista.

Sabi ng mga kawani ng Comelec, nagagampanan pa rin ni Bautista ang kanyang mga gawain sa kabila ng mga problema na kanyang kinahaharap.

Ang totoo, si Comm. Guanzon ang totoong hindi nakagagampan ng kanyang trabaho dahil nakagawian na ni Guanzon na bumiyahe sa ibang bansa nang walang “official approval” ang Comelec en banc.

Inihalimbawa ng mga dismayadong empleyado ang dalawang pagtungo sa ibang bansa ni Guanzon – isa rito ay “vacation leave for spiritual retreat” – samantalang nasa kalahati pa lamang ng Setyembre.

Wala namang masama sa pagbiyahe kung ito nama’y nakaugnay sa trabaho ng opisyal.

Ang mali at iligal dito ay kung hindi ito opisyal na inaprubahan ng Comelec.

Kapag, sariling desisyon ang pagpasyal at pagpapasarap sa ibang bansa, pihadong iligal ito kahit pa tungkol sa pagpapatibay ng paniniwala sa Diyos ang layunin ng biyahe.

Banas na banas din ang mga kawani ng Comelec kay Commissioner Lim dahil wagas kung makapag-akusa kay Bautista sa sinasabing higit P1 bilyong nakaw na yaman nito, samantalang si Lim ay inireklamo ng korapsyon sa Office of the Ombudsman.

Ayon kay dating Biliran Representative Glenn Chong, dapat imbestigahan si Lim dahil sa pagpabor nito sa Smartmatic – Total Information Management Corporation noong 2015 na bilyon-bilyong piso ang kontratang ipapasok sa Comelec.

Hangad ni Chong na matukoy ng Office of the Ombudsman kung minadali at minaniobra ni Lim ang paborableng desisyon ng Comelec sa Smartmatic – TIMC para kumita ng malaki o hindi.

Si Lim ang Comelec Officer-in-Charge nang maganap ang kontrobersya dahil tapos na ang termino ni Sixto Brillantes bilang Comelec chairman.

Si Lim ay aktibong nambubuyo sa mga kapwa nito commissioner na patalsikin si Bautista sa Comelec, sapagkat si Lim bilang senior commissioner ang papalit sa kay Bautista. BADILLA NGAYON/NELSON BADILLA

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply