Hazing rites, ipinatitigil na

hazing2

IPINATITIGIL na ng Catholic Bishop’s Conference of The Philippines (CBCP) ang hazing practice bilang initation sa mga school fraternity.

Sinabi ni Bishop Roberto Mallari, ng San Jose, Nueva Ecija at ang namumuno ng Commission on Catechesis and Catholic Education ng CBCP, dapat bigyang-halaga ang pagkakaroon ng magandang pagsasamahan o “brotherhood”.

Sinabi pa nitong mas magandang tingnan sa isang fraternity ang pagmamahalan ng bawat mga miyembro.

Ikinalungkot nito ang mga nangyayaring hazing sa mga fraternity na marami na ang binawian ng buhay na ang pinakahuli ay si San Beda freshman law student na si Atio Castillo. BOBBY TICZON

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply