HINDI PA UMIINIT ANG WETPU, IPINANGONGOLEKTA NA SI PD

johnny_magalona1035

SI Supt. William Segun na ang bagong provincial director ng lalawigan ng Cavite. Na-promote siya bilang pd dahil sa mga ipinamalas nitong magandang performance nang siya ay chief of police pa ng San Juan City.

Kaya naman naniniwala tayo na sa pag-upo ni Supt. Segun sa lalawigan ng Cavite ay itutuloy nito ang kanyang mga nasimulan sa San Juan City para mapatino ang nasabing lalawigan.

Alam ba ninyo, simula nang maging cop o hepe ng San Juan City si Supt. Segun, hindi lamang kriminalidad ang nasugpo niya kundi maging ang talamak na kalakaran sa illegal drugs.

Napatigil din ni Supt. Segun ang talamak na operasyon ng iba’t ibang illegal gambling sa San Juan City kaya naman maraming San Juaño ang nalulungkot sa paglisan ng nasabing chief of police.

Ang tanong, yaman din lamang na si Supt. Segun na ang PD ng Cavite, kayang-kaya niya kayang buwagin ang mga puwesto pijo na mga saklaan sa lalawigan na kalimitan ay sinasabing front at tambayan ng mga durugista at distribusyon ng illegal drugs?

Ang mga sakla operator ay pinangungunahan nina Alwin, Zaldy, Onjie, Dodjie, Louie Saulog at Maricon.

Ang balita ko, hindi pa nag-iinit ang wetpu ni Supt. Segun ay may isang sibilyan nang nagpapakilalang bata niya at nangongolekta na sa mga saklaan para sa kanya.

Gaano katotoo ito, Col. Segun?

IPINANGONGOTONG ANG CIDG

Sino itong alyas Jonjon Galugad at isang alyas Kerwin na nangongolekta raw ng lingguhang timbre ng Criminal Investigation and Detection Group sa mga illegal gambling sa Metro Manila gamit ang pangalan ni CIDG chief Gen. Roel Obusan?

Ang matindi rito ay itinatanggi ni Gen. Obusan na may kinalaman siya sa ginagawang pangongotong nina Galugad at Kerwin.

Pero nakapagtataka naman kung bakit hindi niya ipinahuhuli ang mga ito kahit patuloy na nangongolekta ang dalawa. Bakittttt?

oOo
Anomang puna o reklamo, i-text sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply