Impeachment vs CJ Sereno, Chairman Bautista lalarga na

justice-sereno1

LALARGA na ang impeachment complaints laban kina Chief Justice Maria Lourdes Sereno at Commission on Elections (Comelec) chairman Andres Bautista.

Dahil pagkatapos ng deliberasyon sa 2018 General Appropriations Bill ay susundan na ito ng marathon hearings ng House Committee on Justice.

Ito’y matapos kumpirmahin ni House Majority Floor Leader at Ilocos Norte Rep. Rodolfo “Rudy” Fariñas, na siya ring chairman ng Rules Committee na isasama ang verified complaints sa Order of Business para pormal na itong mai-refer sa committee on justice.

Ang dalawang impeachment complaints laban kay Sereno at isang impeachment laban kay Bautista ay ipinadala ni Speaker Pantaleon “Bebot” Alvarez sa committee on rules para sa kaukulang hakbang.

Batay sa alituntunin ng Kamara, sinabi ni Fariñas na ang House committee on justice na pinaumunuan ni Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali ay may 60 session days upang makapagdaos ng pagdinig at pagsumite ng committee report.

Ang Umali panel ang magdedetermina kung sapat ang porma at substance ng impeachment complaints na inihain laban sa dalawang opisyal.

Ang unang reklamo laban kay Sereno na inendorso ng may 25 mambabatas ay inihain ni Atty. Larry Gadon at ang ikalawa naman na inendorso ng 16 na kongresista ay inihain ng VACC.

Inihain naman nina dating Negros Oriental Rep. Jacinto Paras at Atty. Ferdinand Topacio ang impeachment complaint laban kay Bautista. MELIZA MALUNTAG

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply