Ina kinatay ang 3-buwang sanggol

BAUANG, LA UNION – Dahil sa sobrang depresyon, isang ina ang inaresto matapos niyang pagsasaksakin at mapatay ang kanyang three-month old na anak sa bayan ng Bauang sa nasabing lalawigan kahapon, August 31.

Kinilala lamang ng Bauang Police Station (BPS) ang pangalan ng suspek na Hilda (hindi tunay na pangalan), 33, ng nasabing bayan.

Sa inisyal na imbestigasyon, ayon sa BPS, lumalabas na sa sobrang depresyon ng suspek kaya nya gagawa ang krimen.

Nagtamo ng iba’t ibang saksak sa katawan ang sanggol sanhi ng kanyang agarang pagkamatay.

Agad na dinakip ang suspek at siya ay nakakulong ngayon sa BPS at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso laban sa kanya. ALLAN BERGONIA

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply